Birthday.


Kaarawan ko, Aniversary ng dalawang kaibigan, at kaarawan ng namayapang kaibigan.



Sa araw na ito, ako ay 23 years old na. Pupunta kami sa dagat ngayon dahil kaarawan ko. Aniversary din nina Lui at Paola ngayon. At birthday din ng kaibigan naming si Jermaine- naalala ko siya at biglang na-miss. Hay..


Sana ay hindi umulan. Para naman maenjoy namin ang dagat. Kasi pag umulan ngayon, wala kaming plan B. Pero kahit pa, rain or shine tuloy talaga.
Natutuwa ako at makakasama ko ulit ang mga kaibigan ko. Sana ay makarating din si Kuya Ric para kahit papano makapasyal siya.


Naalala ko ang mga nangyari sa akin sa nakaraang 23 taon. Ang mga taong nakilala ko sa aking paglalakbay, ang iba’y nakakausap ko pa rin. Ang iba’y wala na sa Pilipinas at ang iba’y wala na dito sa mundo. Nakakamiss sila. Gusto ko silang makita ulit.


Ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa akin ay hindi ko pinagsisisihan. Dahil ito ang humuhubog sa akin sa kung ano ako ngayon. At handa na ako sa mga pagsubok na darating sa akin ngayong taon.

Bakit ba ma drama na naman ako?

Popular posts from this blog

Go Hyun Jung: I want to live as a man in my next life

Interest Check

Got It