Pultaym

1:23 AM

Wala naman. naisipan ko lang magsulat. alas dose na ng umaga, mornyt, ika nga nila. Pero ako? Enjoy pa rin sa libreng internet usage dito, maayos na kasi ang broadband connection, kaya naman eto ngayon, net galore ako.

Kakabasa ko lang ng blog ng isang kaibigan. binisita ang fb account. At ngayon, nag-aadik dito sa pex. Sa ilang oras na browsing, marami-rami na rin ang pumasok sa utak ko. iba-iba. Erap for president, ang taong anti-depressant, katrina halili, kambal sa umay, da idiot box, desaparecido.. naalala ko tuloy yung nawawalang si Jonas Burgos, at si Mang James Balao. Makikita ko pa kaya sila? Nitong taon lang, naglaunch ang libro ng CPA kung si manong james ang researcher. Sayang at wala siya nung araw na iyon. Hanggang ngayon kasi, ayaw pang ilabas si manong james ng mga militar na dumukot sa kaniya. Parang yung nangyari din sa isang kaibigan ko.. hay, eto na naman, balik-tanaw sa nakaraan.
Continue Reading this Entry..

Masasabi ko namang hindi ako hardcore na tibak. Mahilig din naman akong mag-inarte. Nung nasa college paper paper pa ko, hilig ko sina Avril Lavigne at Sum41, malay ko bang magkakatuluyan si Avril at yung isang member dun? Peborit din namin ang Evanescence, lalo na yung poster nila na kung saan pinagdidikit namin ang mukha ng mga bading naming staffers, salamat sa photoshop hihi.. mahilig kami sa coke, lagi ngang pumupunta yung isang janitor sa opis namin para kunin ang dalawang case ng coke at sprite na naipon ng ilang linggo. Palibhasa, estudyante, may allowance. May pera.

Pero pag fulltime ka, gudlak sayo. Kelangan mong pagkasyahin ang isa o dalawandaang piso pamasahe mo at panggastos papuntang Vigan. Kung saan-saan ka matutulog, sa bahay ng kaibigan, sa opis, sa bus, sa community.. naalala ko nung pumunta ako sa luna para sa isang research sa mga namumulot ng bato, nakipamuhay ako sa isang pamilyang kulang pa ang pagkain para sa kanila. Tapos nakisawsaw pa ako ano? Ganon talaga, at kahit ganun ang sitwasyon, masaya pa rin naman nila akong pinatuloy sa kanilang maliit na tahanan. Kumain ng ampalaya at pechay ng isang buwan, sumamang namulot ng bato, maghapon sa ilalim ng araw at sa huli mabebenta mo lamang ang napulot mong bato piso isang lata. Naalala ko pa, may isang bata duon na ginawa nang probinsiya ng mga kuto ag kaniyang buhok. Siyempre ako ang taga tanggal niya noon kaya naman nung umalis ako, binulong niya sakin kun pwede daw ba siyang sumama.

Pag fulltime ka, mas lalo mong maaappreciate ang mga bagay na dati ayaw mo. Dati ayoko ng Skyflakes, pero nung ft na at may nagbibigay ng skyflakes, laging ako ang nauunang humingi. Hindi naman kasi para sa akin yun. Binibigay ko ito sa mga bata sa komunidad na napupuntahan ko, kasi napapasaya ko sila pag may mga pagkain akong dala na hindi nila laging natitikman. Sa Abra, ang sardinas na youngstown, 25pesos. Kaya naman nung nandun ako, hindi ko nagawang kumain ng mga pagkaing de lata. Pero kahit may pambili naman ako, hindi magawang bumili. Ayoko naman kasing ako lang ang kakain ng ganun. Minsan, bumili ako ng 3 corned beef para ihalo sa nilutong gulay. Halos isandaan ang nagastos ko,pero tuwang tuwa ang mga bata, kasi once in a blue moon lang daw sila makakain nito.

Iba-ibang tao ang iyong makikilala. Nariyan yung masungit, hindi ka papansinin. At meron din naman yung ituturing kang kapamilya. Naalala ko talaga ang mga karanasang ito. Ngayon, heto ako nakatunganga. Marami pang nangyari sa akin sa loob ng apat na taon. Naglagalag, nag-aral, nakilala ang mga bagong kaibigan, namatayan din ng mga kaibigan. May nag-abroad, meron din naman nag fulltime pa rin. Ako? Hindi na ako fulltime ngayon. Pero hindi din naman malayo sa aking perspektiba ang page-ft ulit.

You Might Also Like

0 comments