Para kay Sir AJ


Ako ay nakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Sir AJ. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala ang biglaan nyang pagkawala. Kahit ako din naman at nabigla sa aking nabalitaan.

Noong ako'y nagsisimula pa lang ako sa blogging, isa si Sir AJ sa mga sinusubaybayan kong blog. Nakakaaliw ang kaniyang mga artikulo at kasabay noon ay natututo ka din naman. Naaaliw ako sa mga podcast na kanyang nilalabas sa kanyang blog. Ang blog niya (Baklaako.com) ang pinakaunang gay blog na nabasa ko at dahil dito, madami pa akong mga nasubaybayanag gay bloggers.


 Bakit nga ba Sir ang tawag ko kay Sir AJ? Wala lang, madami kasi siyang litratong naka-corporate attire. Marunong siyang pumorma, kaya naman sabi nga ng isang blogger, head-turner siya. Kahit ako na isang tomboy, aminado akong pogi si Sir AJ. Hahaha. Sino nga bang mag-aakalang bakla siya, diba?

Siguro ang hindi ko malilimutan kay Sir AJ ay ung willing siyang tumulong sayo. Masipag siya at matiyaga nyang sinasagot ang mga PM at messages ko sa kaniya tungkol sa blogging. Kahit makulit ako nun sa pagtatanong (dahil minsan ala akong tiwala sa mga how to's sa internet), hindi siya nagsawang magreply sa mga queries ko at bilang bonus, may mga kasama pang tips ang mga reply nya. Sa tatlong bloggers hiningan ko ng tulong, si Sir AJ ang pinaka nakapagbigay ng tulong na iyon.

Siguro kung nagkaroon ng pagkakataon, nakapagkita sana kami ni Sir AJ. Kasi nalaman kong magkatabing kanto lang pala kami ng tinirahan dito sa Makati (salamat din pala kay Sir, nalaman ko ang tungkol sa Foursquare haha!).

Si Sir AJ ay hindi lang siya kapamilya at kaibigan sa ilan. Isa siyang inspirasyon sa mga Pilipinong bakla at tomboy na yakapin at ipagmalaki na tayo ay mga nilalang na may angking sekswalidad at kasarian. Sir AJ, mami-miss ko ang iyong mga blogpost (at yong mga Foursquare check-ins mo :D). Mabuhay ka, Sir!

Ariel James "AJ"Matela (Sept 10, 1982-Sept 8, 2011)










































































***Dahil sa mga gastusin sa pagpapagamot kay Sir AJ, gumawa ng Facebook group, 1000 Volunteers for AJ Matela para tulong at donasyong pinansyal. Maaring tumawag sa 0908 570 1555/0927 984 8142 or bumisita sa Facebook group para sa iba pang detalye.

Popular posts from this blog

Go Hyun Jung: I want to live as a man in my next life

Interest Check

Got It